Noon, nakikita ko lang si Sarah bilang isang normal na artista. Nakikita sa TV, kumakanta at umaarte. Pero sa paglipas ng panahon, sa pagdami ng mga artista at sikat na personalidad. Lumutang sa aking isipan ang mga katagang "Iba si Sarah." Ibang iba si Sarah sa lahat ng mga artista sa Pilipinas. The way she smile, the way she dress, act, sing and dance, ibang iba lahat.

Sa mga litrato at mga pagganap niya sa mga pelikula, minsan ay nagmumukha siyang masungit at fierce. Pero isa talaga siyang mabuti at mahiyaing artista. The fact na iba siya sa personal at sa TV, isang pagpapatunay lang na magaling siyang artista. Sa tuwing siya ay kumakanta at sumasayaw, she was indeed fierce, pero after the performance magsmile lang siya and "Woah!" she is really sweet.
Natutuwa ako sa mga music video niya. Ngunit bihira mag-upload ang management niya ng mga kanta niya at music video. Kumbaga, once in a bluemoon. Siguro paraan nila iyon para panabikin ang mga tagahanga, ngunit sayang lang ang talento niya. Buti na lamang ay nashoshowcase niya ang kaniyang verstility sa pagkanta at pagsayaw sa ASAP.
Ang tanging hiling ko nalang para sa kanya ay marami pa siyang kanta at music video na iproduce with her managament not just to entertain but also to inspire her fans, followers and supporters.
Sarah is the best. She is my favorite. Proud to be Popsters.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento