Nagsimula ang aming conversation sa kaniyang chat na "you look good hehe. I'm looking for a special friend, yah..cross fingers hehe" and then followed by his picture na limited seconds only. After fours hours doon ko palang nabasa yung chat niya at offline na siya then I replied "you look good also, though it was limited, where do you live?" and then I followed it by giving my number and telling him to keep in touch. Kasi hindi ko alam kung kelan kami magiging online pareho kaya binigay ko yung number ko.
Kinabukasan ay nagchat ulit siya at may nagtext sa akin na katulad ng format niya magchat. Nireplyan ko naman gamit ang isa kong number pero hindi siya nagreply. And then I chatted him again after a few days na "Hi". Then, after nun nagtanong siya kung ano ba daw ang hinahanap ko sa site na iyon, kung sex ba o relationship. Tapos sabi ko relationship at sabi niya yun din daw ang hinahanap niya. After nun kinuha ko na yung number niya para i-text siya. Tapos sabi niya natext na daw niya ako, and tama nga ako siya yung nagtext dati, kaya lang hindi ko sinave ang number.
After nun nagtext ako nagreply siya and our long convo started. After two days na pagtetxt ay nagkita na kami. Nung una I was just joking by him asking me on a date, it was yesterday before the day we met. Kinabukasan after kong magbiro he ask me kung may gagawin ba ako today and I said wala naman. I asked him kung bakit niya na tanong, and he was like baka gusto mong makipagdate. Pero sabi niya wala siya pera at ako muna ang sumagot and sabi ko wala akong pera at siya dapat ang sumagot pero dahil wala nga siyang pera sabi ko next time nalang. Sabi ko kasi mag-iipon muna ako ng panlibre.
Then, he insisted na gusto na niya na magkita kami and sabi ko naman ako din I want to meet him para atleast kilala ko na siya sa personal. At yun na nga sabi niya na no need to treat each other, KKB meaning kanya kanyang bayad at bili. At we agreed to meet sa mall na wala masyadong tao para hindi hussle. Na una ako sa meeting place at after 15-20 minutes dumating na siya. I'm waiting for him at nang tumingin ako sa likod ay may isang gwapong lalaki, para sa akin gwapo, ang aking nasilayan dahil awkward tumalikod ako at tumingin sa phone. Tapos nagtext na pala siya at sinabing tumalikod daw ako so ako naman, hala siya na pala iyon. So nung una awkward kasi sobrang may istura siya tapos ako pipitsugin.
Buti na lamang at madaldal siya madali kaming nagkapalagayan ng loob dahil nagkwentuhan kami. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano para mas makilala ang sarili. Sobrang saya lang, minsan na o-awkward akong tumingin pero it was worth it. Sabi ko sa sarili ko, mabuti nalang at nakipagkita ako, though hindi ko alam kung naturn off ba siya o what.
Abangan nalang natin kung anong mangyayari, will be a happy ending for me? We'll see. Lets call him nalang "Woo".
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento