Today is October 12, 2016. Ngayong araw ang unang araw ng pelikula ni Angel Locsin kasama sina Zanjoe Marudo and Sam Milby sa sinehan nationwide. The title of the movie is "The Third Party." Ang pelikulang ito ang kauna-unahang pinanood ko ng nag-iisa, pinanood sa unang araw at binayaran gamit ang sarili kong pera. Kung noon baka abangan ko nalang itong ipalabas sa Free TV, pero dahil nga ibang iba na ako ngayon gusto ko namang suportahan ang Movie Industry. Dahil nga gusto kong maging direktor someday, kailangan nating suportahan ang idustriya ng pelikula.
HOW WAS THE MOVIE?
Para sa akin, gusto ko ang pelikulang ito though gusto ko naman lahat ng pelikula ng Star Cinema. Gusto ko ito sapagkat nagtackle nga ito ng Gay relationship. Ngunit may mas malalim pa na magandang i-tackle sa mundo ng LGBT. Kumbaga ang pelikulang ito ay maaring tawagin kong INTRO sa mas malalalim pang paksa na maaaring ipahayag.
Yun nga lang dahil limited ang time for movies parang bitin yung kwento at mabilis ang mga pangyayari. Wish ko lang ay may TV Adaptation itong movie na ito. Pero over all maganda siya.
HOW WAS THE ACTING?
Syempre, the best ang pag-arte ng mga artista lalong higit si Angel. Though kahit sabi ni Angel na mas gusto niya ang Action kaysa sa drama para sa akin ay the best siya sa mga heavy drama dahil napapaiyak niya ako. Para naman kay Sam at Zanjoe, they are amazing actors also, as an actor they know the difference between the screen and the real world. Sa screen hindi ko nakita sila bilang Sam and Zanjoe lalo na nung nagkiss sila. Sobrang WOW yung part na yun, yun nga lang isang beses lang. Magmamahal kasi ang bayad sa kanila kapag madaming scene na ganoon.
My Favorite Scene:
Ang paborito kong scene ay noong bumalik na si Zanjoe galing Cebu. The moment when he entered the house ay sobrang nakakaiyak at nakakasakit ng puso.
My Favorite Line:
Ang paborito kong line ay yung line ni Zanjoe na "Kung totoong mahal mo ako, hindi ka dapat nalilito kahit sino pa ang dumating sa buhay mo." something like that. Sobrang TAMA naman iyon, kasi kung mahal mo siya, siya lang talaga at wala ng iba.
My Favorite Supporting Cast:
Dahil nga bida na sina Angel, Zanjoe at Sam, pipili nalang ako ng pinakapaborito kong supporting Cast. At ang award na ito (Hahahaha) ay mapupunta kay ALMA MORENO, na gumanap bilang Tita ni Angel Locsin. Laftrip lang ako kay Alma, bagay siya sa mga RomCom na ganito at simpleng simple lang ang pag-arte niya.
MY RATING:

My rating will be 9/10. Ito ang magiging basehan ko sa mga susunod na pelikulang Pilipino na panonoorin ko. And I'm supporting "#NoToPiracy" campaign of Star Cinema.
Panoorin at tangkilikin natin ang sariling atin. Pinaghirapan at pinagpuyatan para sa ating kasiyahan. THE THIRD PARTY now showing in cinemas nationwide.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento