Miyerkules, Oktubre 24, 2018

Himig Handog 2018 Review

Today, I decided to share with you my thoughts and opinions regarding the 2018 Entries for Himig Handog. I am a fan o Himig Handog since it was revive years ago, mga panahon ng Anong Nangyari Sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra. The format of my review will be my first opinion after hearing the song and my opinion right now after listening the songs everday. Kapag gusto ko ng ibang timplang music I just play the Himig Handog 2018 playlist sa Spotify at ayun sobrang good na good na yung araw ko.

After listing down all the songs and my opinions, I will be telling you my Top 3 songs. My first opinion, might be different from my current opinion. Disclaimer lang po ulit, I am not a lyricist, musician, song writer or what but let me just share you my opinion as a listener.

1. Hati Nalang Tayo Sa Kanya by Eumee Capile ft JC Santos

     First Thought: Masakit sa puso. Praning sa love yung message. Very nice yung music at cachy yung wordings with the tune. Yung kanta ay hindi dapat tularan. I feel the song. I like the spoken part of JC.

     So sinulat ko sa aking sheet. Mayroon kasi akong sheet dito na jina-jot down ko habang pinapakinggan yung kanta for the first time. I wrote here that sometimes it is not good to share, hindi maganda makihati dahil ang bawat isa sa atin ang tanging hangad ay maging number one and only one. Tapos, I wrote also that the spoken part make the song more painful. Masakit yung kanta.

      Overall: Thumbs up for the writer of the song. Gustong gusto ko yung chorus "Pwede bang hati nalang tayo sa kanya, akin sa gabi saiyo sa umaga." Sa unang beses mo pakinggan yung kanta parang masama yung kumakanta kasi nakikihati pero kung papakinggan maigi baliktad pala. Si Eumee pala ang niloko, sadyang kumakapit lang siya at takot tuluyang mawala si Guy. I really love this song. After ko mapakinggan at first yung mga song ito yung pinakagusto ko.

2. Kababata by Kritiko ft Kyla

     First Thought: Mahirap ang tune. Weird ang delivery ng lines at arrangment ng music. RAP parts (on the first part upto the second) has no emotion but in the ending it was superb. Story was nice.

     So habang pinapakinggan ko yung kanta nagsulat ako ng mga hugot ko. Mahilig kasi ako humugot kaya ganoon. I wrote here na ayoko talaga binabalikan ang nakaraan kasi masakit siya sa puso. And a lesson that goes something like this; "Hindi lahat ng mayroon ka noon ay makakamit mo pa rin ngayon. Pahalagahan mo habang naandyan pa at hindi pa huli ang lahat.

       Final Thought: One of the best song and my favorite song from Himig Handog 2018 list. Sobra sobra yung sakit nung storya. Kung papaulit ulitin mo yung kanta madadama mo na yung raps at yung way ng pagkanta. I even doubt my first opinion kasi magadan talaga siya. Shinare ko lang sa inyo yung mga first thoughts ko for you to know na laging nagbabago ang tingin sa isang bagay kung mas kikilatisin mo ito. Kumbaga minsan mo palang makasama, ayaw mo na agad sa kanya yun pala okay naman pala siya.

3. Dalawang Pag-ibig Niya by Krystal Brimmer, Sheena Belarmino and MNL48

     First Thought: Alive yung sounds. Very youth yung feeling. Love the chorus. Though the story tackles negativity the song took it lightly. Chill lang kumbaga.

     Yung kanta is about sa babae na may gusto kay boy na is boy gusto siya pero may gusto pa din palang iba. I wrote in my note; "Kung di ka sure sa kaniya, masasaktan ka lang sa bandang huli." You are taking risk, even you know it might be losses. Kasi kung mahal mo dapat isa lang. Ganon!

     Final Thought: Same as my first thought. Ganoon pa rin youthful and alive. Pero narealize ko lang na parang wala naman masyadong ganap ang MNL48 dito sa bandang rap lang sila pala at background sa chorus. I thought na kaya naman siya nung dalawa lang.

4. Wala Kang Alam by Sam Mangubat

     First Thought: Painful song. Very sentimental arrangement. Relate much si ako. Kulang sa emotion ang pagdedeliver ng lines. Bitin.

     I wrote bitin kasi masyadong mabagal ang phasing ng kanta. Parang tipid sa pagkukwento. I don't know ahh just my opinion, though I love the story. Basta kasi pang broken hearted na kanta bet ko yan. Masarap pakinggan lalo na kapag nag-iisa.

     Final Thought: Gusto ko pa rin yung pagkasentimental niya. Kahit bitin siguro ganoon lang talaga yung way of presenting the story mabagal. Pero mas maganda if more emotions nalang para mas nakakaiyak. Gusto ko kasi yung mga kantang makakapagpaiyak sa akin.

5. Tinatapos Ko Na by Jona

     First Thought: Love the intro. I also love the message of the song specially on the first part. The arrangement is perfect for a dramatic song. Normal Ending.

    So I am listening to the song while writing this one. I wrote kasi sa aking notes na positive lang at looking forward na isang araw wala na lahat ng pagmamahal sa kanya. Nilagay ko din sa notes ko na strong teller.

     Final Thought: Masakit yung kanta. Not the typical dramatic song na pinapakinggan ko pagnalulungkot. Parang kumbaga hindi ko siya gustong ulit ulitin ganun yung feeling ko. Actually, I listened to the full list of the song every now and then, at yung kantang ito hindi masyado tumatak.

6. Wakasan by Agsunta

     First Thought: Di ko masyado gusto ang arrangement parang may pagkabanda kasi ang sounds. Nice yung chorus very cachy. 

     Natawa ako kasi sa spotify ang name ng pagkakatanda ko ang title ng kanta ay "Wagkasan" so hinahanap ko yung word na wagkasan yun pala wakasan siya. Nakalagay tuloy sa notes ko "Wala yung Wagkasan."

     Final Thought: Normal lang. Pandagdag flavor sa music ng Himig Handog. Di ko siya bet na bet at di naman siya waley na waley. In the middle lang siya para sa akin.

7. Mas Mabuti Pa by Janine Berdin

    First Thought: Sweet arrangement. Very nice message. Galing ni Janine. Nice bridge. Cachy dahil sa paulit ulit na "Mas Mabuti Pa."

    So inaantok na ako ng nagsusulat ako ng notes kasi yung pagkakasunod sunod ng pagkakareview ko ganun din ka sunod sunod ang pakikinig ko. Paikli ng paikli ang comment ko kasi normal nalang sa tenga yung mga sumunod. 

     Final Thought: Gusto ko siya dahil kay Janine Berdin. At gusto ko yung message lalo na kung magkasama kami nung mahal ko ngayon na hindi naman ako mahal. Yung mas gugustuhin mo nalang lumayo ka kasi pagod ka na pero malulungkot ka kapag wala na siya. Still love the bridge, bridge nga ba tawag dun basta yung part bago mag last chorus.

8. Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong by JM De Guzman

     First Thought: Chill lang, pampatulog. Malungkot siya. Super chill at tipid sa lines. Ok lang siya.

     Yung comments ko inaantok na. Yung feeling na nagsusulat ka ng thoughts tapos isang chill na chill ang tutunog na parang masarap magpahinga. Tapos ngayon tumutugtog ulit siyua habang tinatype ito parang gusto na pumikit ang mata.

    Final Thought: May mga times na gusto ko siya. Lalo na kapag papasok ako sa work tapos naglalakad ako. Parang sarap maglakad sa buwan yung mabagal na mabagal. 

9. Para sa Tabi by BoybandPH

    First Thought: KPOP vibes. Thirdwheel. Normal lang. A song that would ift BoybandPH. Type ng song na pwede may konting steps.

    So ayun nga may pagkaKPOP siya, kasi yun naman talaga ang BoybandPH. Okay naman ang lines at sounds. Nothing unusual.

    Final Thought: Masarap siya gawan ng steps parang Dahil Sayo ni Inigo Pascual. Nothing more to say, kung ano yung first thought ko ganun pa din.

10. Sugarol by Maris Racal

    First Thought: Risk about love. Medyo chill lang din. Simple lang ang lines madali makuha. Para siyang pang last dance sa prom.

    Agree ako dun sa para siyang pang final dance. Yung moment na gusto mong isayaw yung pinakagusto mong tao. Kalmado lang yung kanta. 

    Final Thought: Kalmado lang talaga siya. Pero magada yung term na susugal sa love sabi ko nga sa first thought risk talaga siya.

Image courtesy of: Onemusic.ph

At ayun na nga. Ayan na po ang aking opinion sa Top 10 entries ng Himig Handog 2018. Magkakaroon kaya sila ng Music Video? Di ko lang alam para kasing tinipid siya o parang lang. Pero I still like the songs na napili. Bagay sa mga interpreter yung kanta at maganda yung variety niya pagpinkinggan mo sa spotify hindi siya nakakaumay. May pangpagana, pampagoodvibes, magbibigay ng hope, at magpapasakit ng puso. Kwento talaga siya ng iba't ibang pag-ibig na maaring makarelate sa buhay ng iba. 


My Top 3 would be:

3 - Tinatapos Ko Na

2 - Hati Nalang Tayo Sa Kanya

1 - Kababata


Ikaw ano sa Himig Handog 2018 Entries ang bet mo? Comment mo lang iyan sa baba and let your voice be heard. Abangan natin sa ABS-CBN sa mga susunod na linggo kung sino sa 10 entries ang mananalo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento