Isang inuman. which is this last weekend lang, tinanong niya ako kung bakit siya kasi actually pang-apat na meet na namin iyon at andami dami siyang sinabi kung bakit hindi daw dapat siya. Pang-apat na meet na namun sa isang group gathering. We are part kasi ng isang group dito sa lungsod ng General Trias. I started the group and he became part of it at siya ay isa sa pinakaaktibo na miyembro.
Nung una, alam ko sa sarili ko na everyone was a friend to me kasi ayaw kong masira yung frienship at yun naman talaga ang goal ng group. Kasi kapag nagfocus ako na special na sa akin ang isang tao kahit walang kami ay maari pa rin itong mag cause pain, disappointments at magiging magulo lang lahat at higit sa lahat magiging toxic ako. Actually, sa ngayon okay pa naman kami pero dahil nga natatakot akong masira lang ang frienship, naglalie low ako paminsan minsan kasi alam kong nagiging special na siya sa akin. Pero bakit nga ba umabot sa apat na meet up?
Bago pa lang si Francis, siguro during the Face of The Month search, ay naging malapit yung isang Admin ng grupo sa kaniya na tipong para silang magjowa kahit alam kong may jowa yung admin na ito at naging quiet nalang ako. Bakit? Hindi kasi ako yung tipong nagbabuy out at alam ko kasi nagkakalabuan din sila. Mali ko yun, pero hindi ko naman sila pinupush sa isa't isa kasi ayaw kong maging reason bakit may masasaktan pa ng sobra. Which is until now, alam kong special kay Francis ang admin na iyon. Alam ko kahit sabihin niyang hindi.
At alam ko din na kahit anong sinasabi ng Admin na iyon tungkol kay Francis, ay nagkecare pa rin naman kahit papaano ang admin na iyon. It is just the circumstances kung bakit hindi nagtutuloy tuloy ang kanilang landian. Pero kung sakaling wala yung mga circumstances na iyon, feeling ko okay sila.
Tinanong din ako ni Francis kung anong sinasabi nung Admin na iyon, pero hindi talaga ako yung taong nagsasabi ng kahit ano at baka mamis interpret din at ayaw kong masaktan siya. Ayaw ko na masasaktan siya na makikita ko kaya ayaw kong ako ang magsasabi.
Moving on, balik tayo dun sa moment na nasa KTV Bar kami na lowbat si admin at tinawagan ni admin si Francis gamit ang phone ko. Nakita ko that time na sobrnag ginuine ng care ni Francis at ako yung nasasaktan para sa kaniya. Alam ko yung sincerity niya kay Admin na ito at nasasaktan ako. Ayaw kong nakikitang nasasayang yung ginuine love at care ng isang tao. Pero ganun talaga, kapag nagmamahal ka nabubulag ka. At alam ko that time wala akong magagawa. Pogi din naman kasi ang Admin na iyon.
So nung una naming meet ay sa isang event ng grupo at umattend nga siya kasabay ang isa pang member na nag-angkas sa kaniya. That time, parang hindi na sila okay nung admin. Hindi sila nagtabi at nag-usap man lang pero alam ko naman kung bakit. So si Francis nung unang meeting? Okay naman siya, cute naman niya. Mahiyain siya kapag di pa kayo close pero super kulit niya nung kasama niya si Genn. Lumalabas yung fun and kulit side niya kapag kasama niya ang mga kaclose niya. Pero umuwi din agad siya nung umuwi yung nakasabay niya kaya we haven't got the chance to get close.
Second meeting, nagyaya ang dalawang admin na mag-inom at pumunta siya kasi andun unhlg admin at pupunta din si Aljon. That time, ako yung kausap niya kung paano pumunta. Inentertain ko naman siya since gusto niyang pumunta pero di ko inexpect na pupunta talaga siya. Sinabihan nila akong umalis sa inuupuan ko at itabi si Francis kay Admin During this time wala na kasi or cool off si admin sa jowa niya kaya umalis na din ako.
Alam ko na di ako bet ni Francis nung gathering na yun? Kasi parang nandidiri or ilang siya noong tumabi ako which is ang tinabihan ko naman talaga si Mamsh. Kahit ganun nahurt ako kasi wala naman akong ibang hangad sa oras na iyon kung hindi makipagfriends. Kaya lumayo yung loob ko sa kaniya that time. Alam kong kung may iibigin ako hindi si Francis kasi alam ko namang friends lang kami at ayaw niya din sakin.
Pero bakit nga ba siya naging special? Third meeting, nakipagkulitan ako sa kanila kapag nasa labas sila dahil madaming chismis kapag nasa labas sila. Narinig ko ang iba't ibang chismis at natuwa ako nung sinabi ni Francis na "Hindi ko inexpect na magiging close tayo." Natouch ako nun kaya yung ilang ko sa kaniya nawala at naging good friends kami. Naging makulit na din siya sa akin during that event kaya masaya lang. This time, parang feel ko na wala ng spark sa pagitan nila ni Admin pero parang si Francis may something pa rin dahil na din tinutukso ng isang Admin pa rin si Francis at itong Admin na ito. Hindi magstart naman ang tuksuhan na iyon kung wala na talaga at base din sa pahayag ng admin na ito nung uwian na.
So paano ba naging special nga? Actually after that event nakakakulitan ko na si Francis sa group. Wala na yung awkwardness between us at nakakaPM ko na din siya. Actually since sumali siya special na naman siya pero dahil sa dami ng circumstances syempre naghibernate yun at nagparaya at naghope sa isang ending na masaya for him.
Nung bata-bata ako ayaw ko sa malamya, I am honest with that sa lahat ng nakikilala ko. Pero as time goes by alam ko na mas seryoso magmahal ang malalamya at I started to appreciate them. Hindi na issue sakin iyon kasi kilala ko na naman ang sarili ko. At naappreciate ko si Francis for being just him kahit bata pa siya. Hindi niya kailangan magpanggap at talagang pinakita niya lang kung sino siya. Ilan lamang ito sa dahilan, at may mga dahilan pa rin na hindi natin maeexplain. Basta ang alam ko lang, masaya akong nakikita siya. Special siya at gusto ko lagi siyang kausap at kachat pero hindi naman pwede idemand. Pero bago ang fourth meeting, okay naman ang aming convo kasi di ko masyado iniisip na special siya para di ko masyado hanapin.
I appreciate him more nung nagdeactivate ako ng account at nabasa ko na he is looking for me. Like, natouch naman ako. Mabilis kasi akong matouch lalo na sa mga genuine things. At that small gesture made me wanted na I want this guy to be happy. And kung ano man ang gusto niya, I will support him. And nung sabi niya na tabi kami syempre kinilig ako nun pero di ko pinahalata kasi ayaw ko magfalse hope.
Pero that fourth meeting, was like very me kapag lasing. Nakikita ko kasi na parang may umaawra sa kaniya pero hindi naman talaga sure pa. That time kasi ay 12midnight na at kaputukan na ng mga lasing at madaming nangyayari sa inuman. Ayaw kong makita man kung anong mangyayari kaya lumabas na din ako. Nahurt lang din ako that night kasi tabi naman kami nung una pero umalis kasi siya sa tabi ko kaya sabi ko "Okay. Tapos na ang gabi na ito." Maaga palang gusto ko na talaga umuwi. At dahil nga dun yung emotion ko ay tumaas pa dahil n din sa alak.
Ako yung nahihiya sa mga kadramahan ko last time kaya ayaw kong mangulit sa kaniya right now. Ayaw ko sabihin na chat mo naman ako, kasi what I showed them during the event was not very manly but a toxic one. They have showed a nice gesture during those moment pero alam ko deep inside it was wrong and ako na yung nahiya.
But I want to thank you Francis, for that small gestures that you made during our fourth meeting. Hindi mo naman kailangan gawin iyon lalo na yung habang naiyak ako pinupunasan mo ang eyes ko. It was sweet actually kaya napatigil din ako. I am grateful for what you did. It was so long when someone tried to comfort me during the times na lumalabas ako sa inuman. Since nagstart ang inuman with GTBG mabibilang na may times talaga akong lumalabas at after a month, isang tao lang yung gumawa nun kaya I am very grateful. Before GTBG, never akong nainom ng sobra until 3 shots lang ako tapos tapos na Ako kasi yung taong dramatic kapag lasing kaya di talaga ako nag iinom para yung emotions ko hindi sumabog. At hindi na ulit ako iinom kasi I don't want to show my weak side anymore.
Francis, hangad ko pa rin ang iyong kasiyahan. Know that I am always here for you. At kung ano man ang naisin ng puso mo, I will respect. Basta no matter what you can still chat me anytime.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento