Heto na naman ang inyong lingkod nagbabalik. This time I want this blog to be a blog na gusto ko lang pagbahagian ng aking nadama. Tulad recently, pakiramdam ko napapagod ako pero not physically but mentally. Parang napakadaming gustong gawin ng aking isip pero tamad na tamad ang aking katawan. Napakadami kong plano pero parang iniisip ko palang napapagod na ako. Inactuality, napapagod ako sa Work talaga recently, hindi ko alam pero the pressure kasi is there kahit hindi naman ganoon kadami yung workload ko. Siguro madami pero not that heavy naman kaya manageable pa rin naman.
Pero today, masasabi kong pagod ako pero very fulfilling. Iba yung fulfillment ko today na parang nasabi ko na worth it yung pagod ko and pressure for the past few days. May pressure pa din since I need to somehow execute the first day of the work immersion na okay, na lahat will be okay sa kanilang mga sites and na sana yung mga pending numbers na wala pang sites ay may blessing na dumating next week at kung meron man doon ko masasabi na may himala. Pero naniniwala naman ako na God is always with me. Every time na walang nagcoconfirm o kaya waiting sa confirmation ay kinakabahan ako pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. God moves in mysterious ways and napatunayan ko na yan specially on this specific task kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Nakakapagod pero nakakaya and nakakaya dahil hindi ako pinapabayaan ni Lord. Maraming salamat po sa lahat ng Sites na nagconfirm at nag-allow. Alam kong makulit ako pero super thankful talaga ako. Ibang pressure na naman ito next year, kung sakaling nandito pa rin ako. Madami na akong natutunan kailangan ko nalang palaguin pa yung mga natutunan ko at mas gawing organize; mas maging maayos pa. Madami akong dapat pang iimprove at naniniwala akong kaya ko ito kaya hindi ako bibitaw.
Tulad ng araw na ito, nakakapagod pero fulfilling kaya until sa bahay nagwowork ako. Iba kasi talaga, parang ginanahan akong to make it better pa. Kaya laban lang. Guide me O Lord and Thank you po.
Kaya ikaw na napapagod na, pahinga ka lang pero h'wag kang susuko. Fighting!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento